Sunday, September 8, 2013

Ako'y Maghihintay Sa Iyong Pagliligtas



I want to share the Song that Make me cry.

“Ako’y Maghihintay sa Iyong Pagliligtas”
( I will wait for your Salvation)

Kahit ano’ng pait ang Paghihirap ko, ang Pag-asa ko’y laging nasa Iyo
Pagsubok man ay dumating, sa tulong mo ay handa kong harapin.
Mga kabiguan man ay danasin ko, ang tiwala ko’y laan lamang sa Iyo.
Ang puso ma’y mamighati, ako’y manananatili na sa Iyo parin.
Pumatak ang luha ko sa hapis kong nadarama, ngunit ang aking katapata’y hindi magbabago, ako’ sa Iyo ang buhay ko’y handog na sa Iyo, Ama.

Kaya ako’y Maghihintay sa Iyong Pagliligtas,
Ang Iyong Pag-ibig ay dama sa aking buhay kaya Ikaw ay Paglilingkuran hanggang wakas.

Mga kahirapan man ay danasin ko, ang tiwala ko’y laan lamang Sayo.
Ang puso ma’y mamighati ako’y mananatili na sa Iyo parin
Pumapatak ang luha ko sa hapis kong nadarama, ngunit ang aking katapata’y hindi magbabago, ako’y sa Iyo, ang buhay ko’y handog na sa Iyo, Ama

Kaya ako’y mahihintay sa Iyong pagliligtas, ang Iyong Pag-ibig ay dama sa aking buhay, kaya Ikaw ay Paglilingkuran hanggang wakas.

Papanaw nga ang buhay kong ito na umaasa sa iyong pangako na ang putong ng buhay ay aking kakamtan pagsapit doon sa Bayang Banal.

Kaya ako’y maghihintay (kaya ako’y maghihintay) sa Iyong pagliligtas (sa Iyong pagliligtas)
Ang Iyong Pag-ibig ay dama sa aking buhay kaya Ikaw ay Paglilingkuran hanggang wakas.